Mga Sawikain O Tagalog Idioms

Ang sawikain o idyoma (idiomatic expression) sa ingles ay isang uri ng pagpapahayag na kusang nabuo sa ating wika. Sa ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan pagsasalita at pagsusulat, may ibang kahulugan ito bukod sa literal. Kadalasang taglay nito ang maraming pangkulturang bagay; malarawan, mapagbiro at mapagpatawa. Nagtataglay din ito ng pansosyal at panliteral na pagpapahiwatig ng kahulugan.

Mga halimbawa ng Tagalog idiomatic expression:

abo ang laman ng ulo
weak-minded; dull; having a slow brain.; Meaning literally "ash is the contents of the head".
ahas na tulog
someone who is habitually sluggish or slowfooted; Meaning literally "sleeping snake".
ahas sa damo
treacherous person; Meaning literally "snake on the grass".