Si David ay isang batang nabuhay noong unang panahon. Ang kanyang mga magulang ay taga—Belen. Marami silang alagang tupa at baka.
Si David ay siyang pinakabata sa walong magkakapatid. Kaya siya ang tagapastol ng kanilang mga hayop.
"Ang mga hayop, tulad ng tao, ay likha ng Diyos," ang wika ni David. "Dapat silang mahalin."
Kaya tinitingnan niyang mabuti ang mga hayop nila. Doon niya dinadala ang mga tupa sa pook na madamo. Inihahanap niya ang mga iyon ng malilinaw na batis ng tubig.
At habang nagpapastol si David, siya ay uma-awit. Mayroon siyang alpa na laging tinutugtug.
"Kaytamis mong umawit, David, ang papuri ng kanyang mga kasamang pastol. "Mainam kang tumugtog."
Malusog na bata si David. Malakas ang kanyang katawan. Mataapang din si David. Isang araw, isang leon ang nagtangkang humuli ng tupa nina David.
Kaagad siyang nakita ni David. Sinakal niya ang leon at ito'y namatay.
Noong panahong iyon, isang higante ang gumugulo sa bayan ng Israel. Takot na takot ang mga tao kay Goliat, ang higante.
"Kailangan patayin si Goliat," ang sabi ng mga tao.
"Nguni't sino ang makalalaban sa isang higanteng malakas at mabagsik?" ang tanong din ng mga tao.
Ang Haring Saul ng Israel ay nagpautos. "Humanap ng taong makalalaban kay Goliat," ang wika niya.
Nabalitaan ni David ang utos ng hari. Siya ay humarap kay Saul. Ang nagtatakang sabi ng hari. "Ikaw ang papatay sa higante? Isa kang bata Iamang."
Ang tugon ni David, "Bata man po ako, ako ay hindi natatakot. Tutulungan po ako ng Diyos pagka't ako ay naniniwala sa Kanya."
"Ikaw ang masusunod," ang tugon ng hari. "Pagpalain ka nawa ng ating Diyos."
Humarap si David kay Goliat. Bato lamang ang kanyang tangan. May sibat at espada si Goliat.
Nagtawa ang higante. "Ako ba ay isang aso na maaaring matakot sa pukol ng bato?" Ang tanong ni Goliat.
Matapang na sumagot si David. "Ang Diyos ang bahala sa akin."
Humalakhak si Goliat. Hindi siya naniniwala sa Diyos.
Ipinukol ni David ang bato. Tinamaan si Goliat sa noo. Nabuwal ang higante at noon din ay namatay. Ganoon na lamang ang tuwa ng mga tao sa Israel.
"Salamat kay David," ang sigaw ng mga tao.
"Salamat sa Diyos. Tinulungan niya si David," ang sigaw nila.
Ang hari ay natuwa sa batang matapang.
"Dito ka na tumira sa palasyo," ang sabi niya sa pastol. "Kailangan ng anak ko ang isang mabuting kaibigan."
Mula noon ang batang pastol ay sa palasyo na nanirahan.