Noong unang-unang. panahon ay marami raw masasamang tao sa mundo. May nagsasabing ayaw sila sa Diyos. Ang Diyos ay may isang anak na mabuti. Ang pangalan nito ay Noah. Siya at ang kanyang pamilya ay nagmamahal sa Diyos. Hindi sila gumawa ng mga diyos na yari sa bakal. Sila ay tapat sa Diyos. Isang araw si Noah ay tinawag ng Diyos.
"Gumawa ka ng isang arko," ang utos ng Diyos kay Noah. "Doon mo isilid ang dalawa sa bawa't uri ng hayop sa mundo. Kapag umulan at bumaha ay pumasok ka sa arko. Isama mo ang iyong angkan. Kayo ay aking ililigtas."
Ang mga tao ay nagtawa lamang nang makita nila si Noah na gumagawa ng arko. Hindi sila natakot. Sila ay hindi naging mabuti. Lalo silang.naging masama.
Natapos ni Noah ang malaking arko. Pinuno niya ito ng mga pagkain para sa lahat. Kumuha siya ng dalawa bawa't hayop sa lupa. Gayon din ang halaman. Lahat nito at ang kanyang pamilya ay lumulan sa arko.
Isang araw, ang buong kapaligiran ay nangulimlim. Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Walang patid ang patak ng malakas na ulan hanggang sa magbaha.
Ang ulan ay nagtagal ng apatnapung araw. Tumaas nang tumaas ang tubig. Nangalunod ang mga tao sa lupa. Ang buong kapaligiran ay nagmistulang isang malaking dagat. Ang malaking arko na dating nakasayad sa lupa ay nakalutang na ngayon sa tubig ulan si Noah at ang kanyang pamilya pati na ang mga hayop at halamang isinama niya.
Napalis lahat ang dumi sa mundo. Nais ng Diyos na linisin ang mundo. Alisin ang mga maruruming gawain at mga makasalanang tao. Ang masasamang tao na noong una ay nagtawa lamang kay Noah ay pawang nangalunod na. Wala nang makitang isang bagay sa mundo kundi tubig at ang arko ni Noah.
Nang huminto ang ulan at bumaba na ang tubig ay sumikat na ang araw. Tuwang-tuwa sina Noah. Napakaganda ng sikat ng araw. Ito ay waring nag bibigay buhay sa kanila. Nag-awitan ang mga ibon at nag-ingay ang mga hayop. Silang lahat ay nagalak.
Muling nagbalik sa dati ang kapaligiran maliban sa mga taong masasama. Lumitaw ang mga bundok at ang mga halaman ay muling tumubo. Lumabas si Noah kasama ng kanyang pamilya at mga alagang hayop. Nagkaroon muli ng buhay sa ibabaw ng lupa.
Sina Noah ay tuwang-tuwa. Naghandog at nagpasalamat sila sa Diyos.
"Mula ngayon," ang wika ng Diyos," ay hindi Ko na muling pauulanin nang matagal. Hindi na muling babaha. Hindi ko na gugunawin ang mundo. Kapag nakakita kayo ng bahaghari ay maaalaala ninyo ang Aking pangako."