Sa pamilihang bayan ng Blumentritt, Sta. Cruz, Manila, na ilang dipa lamang ang layo sa LRT tation, ay makikita ang iba't ibang uri ng kalakalan. Maraming side-walk vendors na naghambalang sa maluwag na kalsada kaya't nagpapabagal sa daloy ng trapiko, ngunit nakasanayan na ito mga tao na sa tuwi-tuwina ay laging makapal, lalo na sa hapon.
Sa pook na ito ay naroroon ang limang nagtitinda: tatlong babae at dalawang lalaki Sila'y mga side-walk vendors na araw-araw ay kumakayod.
Si Sigu ay nagtitinda ng tumpok-tumpok na isda. Marami ang bumibili sa pag-aakalang sila ay nakamura. Ngunit kapag nalingat ka, kalahati lang pala ng nakatumpok ang ilalagay ni Sigu sa plastic bag. Sinasadya niyang ihulog sa palang-ganang nasailalim ng mesa ang isdang napili ng mamimilii Lihim na natutuwa si Sigu sa pandarayang ginagawa dahil lumalaki ang tubo niya saganoong paraan.
Si Rista naman ay may daladalang bilao ng kung anu-anong paninda. Ubod ito ng sungit. Kung sinuman ang humawak sabagay na nasa bilao, kailangang bilhin ito, kung hindi ay pagsasalitaan nang masakit ng mataray na tindera na halatang walang pinag—aralan kaya bastos ang bunganga.
Si At ay lalaking mabilis ang kamay. May paninda itong karneng baboy at manok. Kung tatanga-tanga ang mamimili, tiyak na malaki ang kabawasan sa kanilang nabili dahil agad nababawasan ng ilang hiwa ang ipinatadtad na baboy o manok. Kadalasan din ay nahahaluan ito ng may amoy na. Talagang sinasadya ito ni At. May ini-injection din siyang tubig para bumigat ang timbang ng manok o baboy.
Si Mada ay tindera ng mga damit sa hilera ng dating Seven-Eleven Grocery na ngayon ay sarado na. Napakasuplada nito sa mga mamimili. Kapag may itinuro kang blouse na naka-hanger, gusto ni Mada na iyon na agad ang iyong bilhin, kahit hindi mona gustuhan ang tela at ang sukat. Ayaw rin ni Mada na basta ka magpapalit ng ibang blouse kung iyon ay naalis na niya sa hanger. Kadalasan tuloy ay lumalayo o umiiwas ang mga mamimili kahit ang gaganda sana ng mga damit na naka-hanger. Alam kaya ng amo ni Mada ang kanyang ginagawa?
Si Ya ay nagtitinda ng tumpok-tumpok na gulay, tulad ng repolyo, kamatis, talong at kung anu-ano pa. Mabilis din ang kamay ni Ya, Kapag nalingat ang mamimili, ay agad pinapalitan niya ng bulok na kamatis o gulay ang tumpok na napili ng mamimili. Sa gayon ay madali nga namang mauubos ang mga bulok o may diperensiyang gulay. Ang mati-tira ay pawang magaganda kaya napapatungan niya ng halaga at napalaki ang tubo.
Sina Sigu, Rista, At, Mada, Ya ay ilan lamang sa mga tindera at tindero na nasa Blumentritt. Akala nila'y walang katapat na parusa ang mga pandarayang kanilang ginagawa. Akala nila ay tumutubo na sila nang malaki, ngunit bakit hanggang ngayon ay gipit pa rin sila at laging nangangailangan, laging kapos? Kumakayod nang husto pero pobre pa rin at umaasa sa 5-6. Ang dalawa sa kanila, akala'y asenso na, may pera at alahas, pero may taglay na sakit na hindi lamang nila iniinda.
Kaya kayong mga tindera at tindero na nandaraya at nanlalamang sa kapwa, sana'y magbago na kayo. Hindi lahat ng araw ay inyo.
Kung ano ang inyong itinanim ay siya ninyong aanihin. Ang perang nanggaling sa pandaraya ay kusang mawawala. Ang hinahangad ninyong ginhawa't sarap ay magiging mailap.