Pangalawang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas (Agosto 1, 1944-Mayo 8, 1946)
Isinilang: Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu Magulang: Juana Suico Asawa: Una: Estefania Chiong Veloso Ikalawa: Esperanza Limjap Namatay: Oktubre 19, 1961 sa Veteran's Memorial Hospital sa Lungsod ng Quezon sa edad na 83.
Si Sergio Osmena ay ang Ikalawang pangulo ng Komonwelt, nang namantay si Pang. Quezon sa sakit na tuberkulosis si Osmena ang humalili sa kanya.
Pinangunahan niya ang misyon sa Estados Unidos kasama si Manuel Roxas bilang paghahanda sa kasarinlan ng Pilipinas.
Natamo ang batas ukol sa Kasarinlan, ang Hare-Hawes-Cutting mula sa Kongreso ng Estados unidos. Ang pinakamatandang naging pangulo sa kasaysayan ng Pilipinas sa edad na 67.
Bumalik sa Pilipinas kasama si McArthur, tumulong sa pagpapalaya nito mula sa hapon.
Naatasan na muling-pagtatayo ng bansang winasak ng digmaan.
Nagretiro sa pribadong buhay sa Cebu makaraang maitatag ang ikatlong Republika ng Pilipinas.