Ang ikatlong pangulo ng Republika ng Pilipinas (Disyembre 1953-Marso 17, 1957)
Isinilang: Agosto 31, 1907 sa Iba, Zambales Mga magulang: Exequiel Magsaysay at Perfecta de Fierro Asawa: Luz Banzon Namatay:Marso 17, 1957 ang kanyang sinasakyang eroplanong patungo Maynila ay bumagsak sa bundok Manunggal sa Cebu.
Si Pang. Ramon Magsaysay ang pinakatanyag sa lahat ng naging pangulo ng Pilipinas dahil sa pagiging malapit niya sa masa at sa mga isinagawa niyang repormang panlipunan.
Sa kanyang panunungkulan ay nakilala siyang "Kampeon ng Masa" dahilsa pagiging malapit niya sa mahihirap. Naging pamantayan niya ang pagpapabuti sa kalagayan ng mga ito.
Sa pamamagitan ng Batas sa Pangungupahang Pansakahan o Agricultural Tenancy Act na pinagtibay ng Kongreso, nabigyan ng pagkakataon ang mga magsasakang makabayad ng upa sa lupang kanilang sinasaka sa paraang magaan o maginhawa sa kanila. Nagkaroon din ng mga programang pamamahagi ng lupang sakahan at pagpapautang para sa industriya ng pagsasaka.
Ipinatupad ang Magna Carta of Labor upang matiyak ang kaligtasan, kagalingan, at kabutihan ng mga manggagawa, at ang Social Security System (SSS) para sa katiwasayan ng mga manggagawa sa mga pribadong kompanya.
Binawian ng buhay si Magsaysay sa pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan sa Bundok Manunggal sa Cebu.