Ang huling pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas at ang unang pangulo ng ikatlong Republika ng Pilipinas (Mayo 28, 1946 - Abril 5, 1948)
Isinilang: Enero 1, 1892 sa Capiz Mga magulang: Gerardo Roxas at Rosario Acuna Asawa: Trinidad de Leon Namatay: Abril 15, 1948 sa Lungsod ng Angeles, Pampanga bunga sa atake sa puso.
Pagkatapos ng tatlong taong mahigit na pananakop ng mga Hapon. Ipinahayag ng mga Amerikano ang kalayaan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946. Ito ang naging simula ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.
Ang seremonya ng pagpapahayag ng kalayaan ay naganap sa Luneta, sa pamumuno ni Komisyoner Paul McNutt ng Estados Unidos, ibinaba ang pambansang watawat ng Estados Unidos. Kasunod nito ang pagtaas ng watawat ng Pilipinas, kasabay ang pagtugtog ng pambansang awit.
Ang panahon ng kanyang panunungkulan ay isang malaking hamon sa sambayanang Pilipino na nagsisimula pa lamang bumangon sa digmaan. Pangunahin dito ang pagpapalaki ng produksyon at pagbangon o pagpapanumblik ng napabayaang mga industriya.