Unang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas (Nobyembre 15, 1935-Agosto 1, 1944) Binansagang "Ama ng Wikang Pambansa"
Isinilang: Agosto 19, 1878 sa Baler, Tayabas Mga magulang: Lucio Quezon at Maria Dolores Molina Asawa: Aurora Aragon Namatay: Agosto 1, 1944 sa New York, U.S., sanhi ng tuberkolosis
Pinasinayaan ang pamahalaang Komonwelt noong Nobyembre 15, 1935. Nanumpa si Manuel Quezon bilang halal na pangulo at si Sergio Osmena bilang pangalawang pangulo. Sa pagsisikap ng mga Pilipinong makamit ang kasarinlang ng Pilipinas, ipinagtibay ng Estados Unidos ang Batas Tydings-McDuffie. Itinakda nito ang pagtatatag ng pamahalaang Komonwelt na pamumunuan ng mga Pilipino bilang paghahanda sa paglilipat ng kapangyarihan sa pamamahala ng bansa. Tinawag itong panahon ng transisyon.
Bagaman nasa ilalim pa rin ng pamahalaang Estados Unidos, dahan-dahang naihanda ang mga Pilipino sa pamamahala ng bansa sa pagkakatatag ng pamahalaang Komonwelt.
Ang pamahalaang Komonwelt ay binuo ng tatlong sangay, Tagapagbatas (Legislative), Tagapagpaganap (Executive) at Tagahukom (Judiciaary).