Ikalabing-tatlong pangulo ng Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1998 - Enero 20, 2001)
Isinilang: Abril 19, 1937 sa Tondo, Manila Mga magulang: Engr. Emilio Ejercito at Maria Marcelo Asawa: Dra. Luisa "Loi" Pimentel
Si Josepha Ejercito Estrada ay 13 pangulo ng Republika ng Pilipinas. Nanumpa siya sa simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan, Maraming pagbabago ang inibig niyang maisakatuparan sa kanyang panunungkulan. Anim na bagay ang binigyang diin ng kanyang pangangasiwa: Epektibong pamamalakad ng pamahalaan, Pagpapaunlad ng edukasyon, kalusugan at nutrisyon, Pagkakaroon ng sapat na pagkain at proteksyon sa kapaligiran, Kaunlaran ng awtonomiyang lokal at kagalingan ng kapangyarihan ng mamamayan, Pantay-pantay na kaunlarang pangkabuhayan sa lahat ng rehiyon, at Isang sistemang transportasyong pangmasa.
Umabot lamang ng halos dalawa at kalahating taon ang panunungkulan ni Pang. Estrada sapagkat nasangkot siya sa maraming anomalya. Naharap siya sa kasong impeachment at nagsimula ang impeachment trial niya noong Disyembre 7, 2001.
Noong Setyembre 12, 2007, si Pang. Estrada ay napatunayang guilty sa kasong plunder ng Sandiganbayan. Hinatulan siya ng reclusion perpetua o habangbuhay na pagkabilanggo. Oktubre 25, 2007 ay pinagkalooban siya ni Pang. Arroyo ng pardon.