Ikalabing-apat na pangulo ng Republika ng Pilipinas (Enero 20, 2001-Hunyo 30, 2010)
Isinilang: Abril 5, 1947 sa San Juan, Rizal Mga magulang: Diosdado Macapagal, Sr. at Evangelina Macaraeg Asawa: Atty. Jose Miguel T. Arroyo
Pagkaraan ng Peopole Power 2 sa EDSA, muling nailukluk sa tungkulin ang isang babaeng pangulo, Si Gloria Macapagal-Arroyo ang ika-14 na pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Si Pang. Arroyo ay anak ni dating Pang. Diosdado Macapagal, Isa siyang ekonomista, guro at mamamahayag.
Ang mga pangyayaring naganap sa EDSA ang ginawang batayan ng Korte Suprema upang ideklara na bakante ang posisyon ng pagkapangulo. Ang pagkakaluklok kay Pang. Arroyo bilang pangulo ng bansa ay pinagtibay ng Korte Suprema.
Naging pangunahing mithiin ni Pang. Arroyo ang mabigyan ng trabaho, edukasyon, sariling tahanan, at pagkain ang masang Pilipino. Ibinatay ito sa liham ng tatlong batang taga-Payatas, sina Jayson, Jomar at Erwin, para sa pangulo.