Ikalabing-dalawang pangulo ng Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992-Hunyo 30, 1988)
Isinilang: Marso 18, 1928 at lumaki sa Lingayen Pangasinan Mga magulang: Atty. Narciso Ramos at Angela Valdez Asawa: Amelita "Ming" Martinez
Natapos ang pamahalaang Aquino noong 1992. ang pambansang halalang naganap noong Mayo 11, 1992 ang may pinakamalawak na halalan na tala ng kasaysayan dahil sa napakaraming kandidatong nagtunggali para sa mga posisyong pagkapangulo.
Ang pinakamahigpit na magkalaban sa pagkapangulo noon ay sina Miram Defensor-Santiago at Fidel V. Ramos. Si Santiago ay isang matalino at matapang na manananggol. Pawang kabataan ang tumangkilik sa kanya. Si Ramos naman ay isang bayaning sundalo ng People Power Revolution at personal na pinili ni Pang. Aquino na suportahan.
Iprinoklama ng Kongreso si Fidel Ramos bilang bagong pangulo at si Joseph Ejercito Estrada naman ang pangalawang pangulo ng Republika ng Pilipinas. Si Joseph Ejercito Estrada ang nangunguna sa bilangan ng pagkapangalawang pangulo sapagkat sinuportahan siya ng mahirap at kapwa niya mga artista.