Ang ikaanim na pangulo ng Republika ng Pilipinas (Disyembre 30. 1965 -Pebrero 25, 1986)
Isinilang Setyembre 11, 1917 sa Sarrat Ilocos Norte Mga magulang: Mariano Marcos at Josefa Edralin Asawa: Imelda Marcos Namatay: Setyembre 28, 1989 sa Honolulu Hawaii
Si pang. Marcos ang nagpalawak sa larawang internasyonal ng Pilipinas sa pamamagitan ng Summit Conference noong 1966 na ginanap sa Maynila. Dinaluhan ito ng mga pinuno ng mga bansang Estados Unidos, Australia, New Zealand, South Korea, Thailand at Vietnam. Dito nagsimulang makilala ang bansang Pilipinas sa iba't ibang panig ng mundo.
Sa kanyang pangunguna ay naitatag ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na binuo ng mga bansang Singapore, Thailand, Indonesia, Vietnam, Malaysia at Pilipinas. Layunin ng samahang paunlarin ang kabuhayan ng bawat rehiyon at sugpuin ang suliraning dulot ng komunismo sa Asya.
Noong 1969 ay muling nahalal na pangulo ng bansa si Marcos, Dulot ng lumalaking suliranin sa kapayapaan o insureksyon noong panahong iyon. Idineklara ni Pang. Marcos ang Batas Militar (Martial Law) noong Setyembre 21, 1972. Nangibabaw rito ang kapangyarihan ng militar sa sibilyan. Sa panahong ito ay nawala ang demokrasya at kalaayan ng mga Pilipino.
Ang pamahalaan ay nakapagpatayo ng mga imprastraktura tulad ng gusali, paaralan, palengke, tulay at highways.
Natapos ang mahabang panahong panunungkulan ni Pang. Marcos sa pamamagitan ng makasaysayang People Power Revolution sa EDSA na naganap noong Pebrero 22-25, 1986.