Ang ikalawang pangulo ng Republika ng Pilipinas (Abril 17, 1948 - Disyembre 30, 1953)
Isinilang: Nobyembre 16, 1890 sa Vigan, Ilocos Sur Mga magulang: Mariano Quirino at Gregoria Rivera Asawa: Alicia Syquia Namatay: Pebrero 29, 1955 sa Novaliches, Lungsod ng Quezon
Nakilala siya sa kanyang mga hakbanging sosyo-ekonomiko, tulad ng batas na minimal na pasahod at institusyon ng Bangko Sentral. Kapayapaan, kaayusan ng bansa at tiwala sa pamahalaan ang naging pangunahing pamantayan ni Pang. Quirino sa kanyang panunungkulan. Sumunod dito ang pagpapaunlad sa kabuhayan ng bansa.
Ipinatupad ng kanyang pamahalaan ang mga programang nakatala na may pag-asang makakamit nito ang inaasahang pagbabago ng bansa.
Ipinagpatuloy rin sa kanyang pamamahala ang pagpapaunlad sa mga industriyang nagdudulot ng kabuhayan sa mga mamamayan at ang pakikipag-ugnayan sa mga bansang Asyano.