Ang ikapito at unang babaeng pangulo ng Republika ng Pilipinas (Pebrero 26, 1986 - Hunyo 30, 1992)
Isinilang: Enero 25, 1933 sa Maynila Mga magulang: Jose Cojuangco at Demetria Sumulong Asawa: Benigno "Ninoy" Aquino
Sa pamamagitan ng People Power, napatalsik si dating Pang. Marcos sa palasyo ng Malacanang matapos ang mahigit sa 20 taong panunungkulan sa pamahalaan.
Ang ipinamalas na pagkakaisa ng mga Pilipino sa EDSA ay higit na nagpatatag sa diwa ng demokrasya. Nakatulong din ito sa pagsulong ng hangaring makamit ang mapayapang pagbabago.
Isang malaking hamon ang pag-ahon ng ekonomiya ng bansa at ang panunumbalik ng demokrasya rito sa pangasiwaang Aquino. Ang kalayaang nakamit nito ay sa aspetong pulitikal. Mahalaga rin ang isa pang uri ng kalayaan ang aspetong pangkabuhayaan. Hindi sapat na sa pulitika lamang may kalayaan ang mga mamamayan. Higit dito, mahalagang makamit din ang kalayaan mula sa kahirapan.
Si Corazon C. Aquino ang ika-11 pangulo ng Republika ng Pilipinas. Ang pangasiwaang Aquino ay binansagang pamahalaang rebolusyonaryo dahil sa itinatag ito sa panahon ng People Power Revolution.
Kabilang sa malalaking suliranin ng pangasiwaan ay ang mga sumusunod: pagbabagongtatag ng pamahalaan, pagpapanumbalik ng demokrasya, pangangalaga sa mga karapatang pantao, pagpapanatili ng katahimikan sa kaayusan at pagpapasigla ng ekonomiya.