Halimbawa ng mga pamahiin
Mamalasin ang sinumang magsusuot ng baligtad na medyas.
Upang buwenasin ka sa inyong paglalakad, kailangang unahing isuot ang kanang medyas bago kaliwa.
Upang suwertehin sa pupuntahan, kanang paa ang palaging dapat unang ihakbang sa sasakyan.
Kapag ikaw ay nakalabag sa batas trapiko, halikan mo ang iyong mga daliri at hipuin ang bubong ng iyong sasakyan upang hindi ka mahuli sa pulis.
Kapag ikaw ay napadaan sa isang yungib o tunnel, iwasan mo ang huminga at gumawa ng isang kahilingan habang nasa loob nito at iyon ay magkakatotoo.
Mamalasin ang sinumang maglalakbay kapag siya ay natalisod o kaya ay nadapa bago umalis ng bahay.
Kapag kayo ay lilipat ng tirahan, huwag dalhin ang pusa sa bagong lilipatang bahay upang hindi malasin ang inyong bagong tahanan.