Mga Pamahiin - Page 4

Halimbawa ng mga pamahiin

Halimbawa #22
Upang maging matalino ang bagong silang na sanggol, kailangang ibaon ang kanyang inunan sa lupa na mayroong kasamang lapis at papel.
Halimbawa #23
Makabubuti kapag pabibinyagan ang bata sa parehong araw rin na siya ay ipinganak.
Halimbawa #24
Ang isang sanggol ay magiging makaama kapag dinamitan ito ng damit na ginamit na ng ama. Kabaglitaran naman kapag damit na nagamit na ng ina ang isinuot dito.
Halimbawa #25
Kapag ang isang sanggol ay mahilig dumila, ibig sabihin ay mayroong pagkaing napaglihian ang ina nito na hindi na kain.
Halimbawa #26
Kapag ang anak na bibinyagan ay panganay, kailangang ang lolo o kaya ay ang lola ang siyang pumili ng ipapangalan sa bata upang magkaroon ito ng mahaba at masaganang buhay.
Halimbawa #27
Kapag sabay na pabibinyagan ang anak na babae at lalaki, kailangang maunang binyagan ang lalaki sapagkat kapag nauna ang babae ay hindi tutubuan ng balbas ang lalaki paglaki samantalang magkakabalbas naman ang babae. Malamang din na magkabaligtad ang kanilang ugali.
Halimbawa #28
Isang mabuting palatandaan kapag ang bata ay umiiiyak habang binibinyagan sapagkat ito ay nangangahulugang itinataboy ng agua bendita ang masamang espiritu sa bata.