Kapag pinagtawanan ng isang buntis ang isang taong may kapansanan, ang kanyang magiging anak ay magkakaroon di ng ganoong kapansanan.
Halimbawa #16
Masama ang magpakumpuni ng bahay kapag kagampan ng kasambahay na buntis sapagkat tiyak na mahihirapan itong manganganak. Masama rin para sa isang buntis ang maupo sa hagdan ng bahay.
Halimbawa #17
Kapag mayroong nagaganap na eklipse, kailangang magsilabas ng bahay ang mga buntis upang hindi maging abnormal ang kanilang magiging anak.
Halimbawa #18
Upang maging maginhawa at hindi mahirapang manganak ang isang babe, kailangan buksan ang lahat ng bintana at pintuan. Kailangan ding kalagin ang anumang buhol sa lubid sa paligid at maglagay ng kutsilyo o lanseta sa ilalim ng kama nito habang nanganganak.
Halimbawa #19
Ang sinumang lalaki ay maglilihi kapag nahakbangan ng kanyang asawang naglilihi.
Halimbawa #20
Kapag ang isang bagong silang sa sanggol ay dina mitan ng lumang damit, siya ay magiging matipid kapag lumaki.
Halimbawa #21
Ang sinumang bagong silang na sanggol na umiyak nang malakas ay magkakaroon ng mahabang buhay.