Para sa bagongkasal, ang sinumang maunang gumasta matapos ang kasal ang siyang magiging dominante sa kanilang pagsasama.
Halimbawa #9
Kung Mayroon kang kasambahay na buntis, masama ang pumatay ng tuko sapagkat malamang na mamatay rin ang sanggol sa kanyang sinapupunan.
Halimbawa #10
Kapag pinalo ng buntis ang isang hayop ay ganoon din ang magiging mukha ng sanggol na kanyang ipinagbubuntis.
Halimbawa #11
Ang balat ng isang sanngol ay palatandaang ang kanyang ina ay mayroong pinaglihiang hindi niya nakain. Kailangang hipuin ng isang buntis ang kanyang puwit upang sa puwit din ng bata mapunta ang magiging balat nito.
Halimbawa #12
Ang kutis o hitsura ng sanggol ay depende sa pinaglihian ng kanyang ina. Kapag mga mapuputi at magagandang bagay ang napaglihian ay ganun din ang magiging hitsura ng sanggol.
Halimbawa #13
Kapag madalas na pumintig ang kaliwang bahagi ng tiyan ng isang buntis, siya ay magkakaanak ng babae. Kabaligtaran naman kapag sa kanan.
Halimbawa #14
Ang isang punong kahoy na maraming bunga ay malalanta at titigil sa pamumunga kapag ang bunga nito ay napaglihian ng isang buntis. Kailangang ihian ng kanyang asawa ang puno upang bumalik ito sa dating sigla.