Masuwerti sa buhay ang magsuot ng damit na mayroong disenyo ng mga paruparo.
Halimbawa #100
Masamang pumutak ang inahing manok kung gabi sapagkat malamang na mayroong mamatay sa inyong lugar.
Halimbawa #101
Kapag nakakuha kayo ng pitso o "wishbone" habang kumakain ng manok, pagtulungan ninyo itong baliin at sinuman ang makakuha ng dulong korona nito ay matutupad ang kanyang kahilingan.
Halimbawa #102
Bubuwenasin sa buhay ang sinumang bagong kasal kapag ang kanilang alagang inahing manok ay putak nang putak.
Halimbawa #103
Ang itlog na iniluwal nang biyernes santo ay hindi nabubugok.
Halimbawa #104
Masamang mag katay ng manok habang may nakaburol sa inyong tahanan sapagkat malamang na may sumunod na mamatay sa inyong pamilya.
Halimbawa #105
Bubuwenasin sa buhay ang sinumang mag-aalaga ng putting tandang.