Halimbawa ng mga pamahiin
Kapag may bubuyog na dumapo sa sanggol habang natutulog, nangangahulugan na magkakaroon ng magandang kapalaran ang bata.
Kailangang magbuhol ng inyong panyo kapag ikaw ay nakarinig ng huni ng kuwago sa katanghalian upang hindi magkaroon ng masamang pangyayari.
Kapag nakarinig kayo ng huni ng kuwago malapit sa inyong lugar sa hatinggabi, ibig sabihin ay mayroong mamamatay.
Kapag mayroong pumasok na paniki sa loob ng inyong tahanan, ito ay nangangahulugang mayroong taong mamamatay.
Kapag ikaw ay dinapuan ng putting paruparu habang ikaw ay nasa loob ng simbahan, ibig sabihin ay kinalulugdan ka ng Diyos.
Kapag mayroong putting paruparo sa inyong tahanan habang mayroong nakaburol, ibig sabihin ay malinis ang kaluluwa ng taong namatay.
Kapag puti ang kulay ng unang paruparong makikita sa isang araw, ikaw ay bubuwenasin sa maghapon.