Mga Pamahiin - Page 13

Halimbawa ng mga pamahiin

Halimbawa #85
Kapag ang isang mangingisda ay lumingon sa kanyang likuran o sa pinanggalingan habang patungo sa dagat ay kaunti lamang ang mahuhuli nitong isda.
Halimbawa #86
Bubuwenasin sa buhay ang sinumang mag-alaga ng putting kabayo.
Halimbawa #87
Ikaw ay susuwertehin sa buhay kapag mayroong ahas na bumagtas sa iyong dinaraanan.
Halimbawa #88
Kapag iyong minura at pinagsalitaan ang mga daga, lalo itong mamiminsala sa inyong mga kagamitan tulad ng damit at iba pa.
Halimbawa #89
Ikaw ay mamalasin sa buhay kapag ikaw ay pumatay o kaya ay nagwasak ng bahay ng gagamba.
Halimbawa #90
Ikaw ay bubuwenasin kapag mayroong gagambang nahulog sa iyong ulo o mukha.
Halimbawa #91
Kapag may nakita kayong gagambang gumagapang sa inyong suot na damit, kayo ay makakatanggap ng salapi sa lalong madaling panahon.