Mga Pamahiin - Page 12

Halimbawa ng mga pamahiin

Halimbawa #78
Kapag nakabili ng biik, iligid mo ito sa poste ng inyong bahay ng pitong beses upang hindi ito maglayas.
Halimbawa #79
Ang sinumang sanggol na makakain ng ari ng babaeng baboy ay magiging madaldal paglaki.
Halimbawa #80
Iwasang lumapit sa kulungan ng mga baka kapag kumukulog at kumikidlat sapagkat ang mga baka ay nakaaakit ng kidlat.
Halimbawa #81
Kapag ang buntot ng baka ay bahagyang nakataas, ibig sabihin ay malapit nang umulan.
Halimbawa #82
Masamang hipuin ng babae o kaya ay hakbangan nito ang mga kagamitan ng isang mangingisda sapagkat malamang na hindi ito makahuli ng isda.
Halimbawa #83
Masamang mangisda kapag mayroong namatay sa inyong tahanan.
Halimbawa #84
Magkakaroon ng maraming huli ang isang mangingisda kapag siya ay nakasalubong o nakakita ng paruparu habang patungo sa dagat.