Mga Pamahiin - Page 11

Halimbawa ng mga pamahiin

Halimbawa #71
Ang sinumang taong mayroong malaking tainga ay magkakaroon ng mahabang buhay.
Halimbawa #72
Kapag mayroong rocking chair sa inyong bahay, iwasang iwanan ito nang umuugoy sapagkat malamang sa sakyan ito ng masamang espiritu.
Halimbawa #73
Kapag dumikit sa iyong ngala-ngala ang ostiya o kaya ay nahulog ito sa iyong pangungumunyon, ibig sabihin ay mayroon kang kasalanan na hindi naikumpisal.
Halimbawa #74
Ang sinumang magnakaw ng abulog o anumang bagay na para sa patay ay magiging magnanakaw sa habambuhay.
Halimbawa #75
Ang sinumang makakakuha ng panyong ginamit na pantali sa ulo ng patay ay makapagnanakaw nang hindi mahuhuli. Ang panlaban dito ay ang paglalagay ng isang timbang tubig na mayroong kutsilyo sa likod ng iyong pinto.
Halimbawa #76
Kapag ang inyong alagang aso ay nanganganak ng marami, itapon mo ang isa sa mga ito upang hindi ito mamatay isa-isa at lumaki ang natitira pang mga tuta nang malusog.
Halimbawa #77
Kapag ang inyong aso ay nagsusungkal o naghuhukay ng lupa sa loob ng bakuran, nagbabadya ito ng kamatayan sa inyong pamilya.