Mga Pamahiin - Page 10

Halimbawa ng mga pamahiin

Halimbawa #64
Kapag mayroong pusang itim na lumalakad sa ilalim ng hagdan, mamalasin ang taong umakyat sa hagdanang iyon.
Halimbawa #65
Upang balikan ka ng umalis na asawa, ilagay mo ang kanyang damit na naisuot na sa ilalim ng inyong lutuan at siya ay tiyak na magbabalik.
Halimbawa #66
Masama ang magdala ng pagkaing nanggaling sa bahay na mayroong nakaburol sapagkat mamatayan ka rin ng isang kasambahay.
Halimbawa #67
Kapag ikaw ay naligaw sa kagubatan, baligtarin mo ang iyong damit upang muli mong makita ang tamang daan pabalik.
Halimbawa #68
Ang iyong kahilingan ay magkakatotoo kapag napatay mo ang mga kandila sa iyong birthday cake sa isang ihipan lamang.
Halimbawa #69
Kung ano ang bilang ng mga ekis sa iyong kanang palad ang siya ring bilang ng iyong magiging anak.
Halimbawa #70
Ang sinumang taong ipinanganak na mayroon ng ipin ay madaling mamamatay.