Ang pamahiin ay isang walang basehang paniniwala hinggil sa mga bagay-bagay na wala namang relasyon sa isa't isa. Aminin man o hindi, malaki ang nagagawang impluwensiya ng mga pamahiin sa usaping kultura, buhay, kabiguan, tagumpay, kalungkutan at kaligayahan ng mga Filipino.
Maraming mga pamahiin ang sinusunod natin, ito'y namana nating sa mga nakatatanda sa atin. Ang hindi pagsunod sa mga pamahiing ito ay nagdudulot ng kamalasan, ayon sa mga nakatatanda. Ang mga kaugaliang ito ay mga paniniwala sa isang bagay, gawain, o pangyayari na nakaaapekto sa mga espesipikong na kaugalian natin, ngunit wala itong kahit anong lohikal na kaugnayan sa kalalabasan nito. Ang pamahiin ay isang matandang kaugalian na kinagisnan mula pa sa ating mga ninuno, buhat pa noong unang panahon at tinataglay pa rin ng marami, lalo na yaong mga naninirahan sa malalayong lalawigan. Ang paniniwala sa mga pamahiin ay naging panunturan ng pang araw-araw na buhay ng ibang tao, pati na rin ang pagiging babala nito sa bawat gawain, plano, o hangarin nila sa buhay. Maaaring ginagawa nila ang mga ito bilang respeto at pagbibigay-galang sa mga nakatatandang nagpayo sa kanila na sumunod sa mga pamahiin.
Halimbawa ng mga pamahiin: