Ang pabula ay isang karaniwang kuwento o kathang-isip na kung saan ang gumaganap na tauhan ay mga hayop o kaya mga bagay na walang buhay. Sila ay binibigyan-buhay na tulad ng isang tao. Ipinakita dito ang magkaibang ugali at nag-iiwan o nagbibigay ng mga gintong aral sa tao. Kadalasan ang mga aral ng pabula ay araw-araw na bahagi ng ating pakikibaka sa buhay.