Huling hari ng Maynila
Si Raha Sulayman ay ang pinakahuling hari na nagtanggol sa lunsod ng Maynila nang duating ang mga kastila noong 1570. Pamangkin siya ni Raha Lakandula.
Galit siya sa mga mapagmalabis, kaya naman mahigpit siyang naging kaaway ng mga kastila. Kinilala si Sulayman ng mga pinunong kastila bilang pinakamatapang at pinakamahigpit na hari na kanilang nakaharap at nakalaban.
Dahil sa paghahangad na magkaroon ng kapayapaan sa mapayapang paraan ay nakipagkasundo si Raha Sulayman kay Martin de Goite sa pamamagitan ng kanyang amain na si Raha Lakandula. Subalit hindi naging tapat sa kasunduan ang mga kastila, patuloy pa rin ang mga ito sa pagmamalabis sa mga Pilipino.
Kaya dahil doon muling humawak ng sandata si Raha Sulayman. Hinihingi nito ang tulong ni Panday Pira na isang mgaling na manggagawa ng kanyon, at nagtayo siya ng matatag at matibay na muog sa baybayin ng Maynila.
Noong Mayo 24, 1570 buong tapang na nakipagdigma si Raha Sulayman sa hukbo ni Martin de Goiti. Dahil sa kakulangan ng makabagong armas ay natalo si Raha Sulayman at mga tauhan nito. Tinakasan nila ang hukbo ni Martin de Goiti.
Subalit muli silang nagsanay ng husto at naghanda, hanggang sa muli nilang salakayin at harapin ang hukbo ni Martin de Goiti sa Bangkusay Tondo noong Hunyo 3, 1571.
Sa kasamaang palad, sa labanang ito ay napatay si Raha Sulayman.