(1857-1911) Pangulo ng Malolos Congress
Si Pedro A. Paterno ay ipinanganak sa Sta. Cruz Manila noong Pebrero 27, 1857.
Nag-aral siya sa Ateneo de Manila at ipinagpatuloy sa Madrid Spain at doon siya nakatapos ng abogasya. Siya ay kilala at tanyag na manunulat noong kanyang kapanahunan. Marami siyang isinulat, tatlo sa kanyang mga isinulat ang naging tanyag. Ang Sampaguita, na kanyang isinulat taong 1880. Taong 1885 ng kanyang isulat ang Ninay, at ang La Antiqua Civilizacion Tagala.
Ang pinakamahalagang kontribusyon ni Paterno sa kasaysayan ng Pilipinas ay ang kanyang pagiging tagapagsaayos ng Kasunduang Biak-na-Bato.
Setyembre 15, 1898 ng mahalal si Paterno bilang pangulo ng Malolos Congress. Naging tagapayo siya sa batas ng Malolos konstitusyon. Namatay siya noong Abril 26, 1911 sa edad na 54.