(1932-1983) Filipino Martir
Ipinanganak si Benigno Ninoy Aquino noong Nobyembre 27, 1932 sa Conception, Tarlac. Sa Ateneo siya nag-aral at nagtapos ng kursong pilosopiya.
Noong 1950 siya ay naging news correspondent sa Korea sa gulang na 17. Siya ang pinakabatang nahalal at naging Mayor ng Concepcion Tarlac sa edad na 25. At naging gobernador din sa edad na 35 taong 1963.
Dahil sa pagiging isa niyang kritko ng pamahalaan ni Ferdinand Marcos ay ipinabilanggo siya sa Fort Bonifacio kasama ang ibang peryodista at ibang senador, ito ay ang ideklara ng rehimeng Marcos ang batas Militar noong Setyembre 23, 1972. Taong 1977 ng mahatulan siya ng kamatayan ng Hukumang Militar.
Subalit noong 1981 ay pinayagan siyang makaalis ng bansa upang magpagamot sa Estados Unidos. Bumuti ang kanyang kalagayan matapos maoperahan.
Agosto 21, 1983 ay bumalik siya sa Pilipinas ngunit binaril siya sa Tarmac ng MIA ng isang di kilalang salarin. Nagluksa ang buong bayan sa pagkamatay niya. Nagbunsod ng malaking pagbabago sa bansang Pilipinas ang naging kamatayan ni Ninoy.
Dito nagsimula ang pag-aaklas ng taong bayan na naging Edsa Revolution noong 1986. Iniluklok ang kanyang maybahay na si Corazon Aquino bilang unang babaeng presidente ng Pilipinas.