(1870-1907) Matapang na Heneral
Si Macario Sakay ay ipinanganak noong Setyembre 1870 sa Trozo Manila. Likas ang kanyang kasipagan. Wala siyang pinipiling trabaho. Noong siya ay bata pa naging manggagawa siya ng kalesa at naging mananahi rin. Mahilig din siyang umarte, gumaganap siya sa mga dula-dulaan at moro-moro. Kahit na ano pinapasukan niya basta't marangal na mapagkakakitaan.
Noong taong 1894 ay sumapi siya sa Katipunan o KKK, lubos niyang naunawaan ang mga pinaglalaban ng mga katipunero at tumimo iyon sa kanyang isip at kalooban. Naging pangulo siya ng sangay sa dapitan at dahil naging mahusay siyang lider ng kanyang nasasakupan, matapang siya at buo ang loob. Nahirang siyang maging pinuno ng Hukbo sa Katagalugan.
Nang madakip si Emilio Aguinaldo noong taong 1901, ay ipinagpatuloy ni Macario Sakay ang pakikipaglaban at pakikibaka, itinatag niya ang Republika ng Kapuluang Tagalog.
Isinugo ng mga Amerikano si Dr. Dominador Gomez upang himukin si Macario Sakay na sumuko, at dahil gusto rin niyang magbagong buhay kasama ang kanyang mga tauhan ay nakumbinse rin siyang sumuko noong Hulyo 14, 1906. Si Sakay at ang kaniyang mga kasamahan, subalit pagkaraan ng anim na araw ay pataksil siyang dinakip ng mga Amerikano, nilitis siya at hinatulang mamatay.
Noong Setyembre 13, 1907 si Macario Sakay ay binitay.