Bayani ng Mactan
Si Lapu-lapu ang hari at pinuno ng maliit na isla ng Mactan. Kilala siya sa kanyang katapangan sa pakikipaglaban ngunit mabait na lider sa nasasakupan.
Tumanggi siyang kilalanin ang soberanya ng Espanya, lalung-lalo na ang tumanggap ng mga dayuhan sa kanyang isla. Nang dumating sa Cebu si Ferdinand Magellan ginawa nito ang lahat ng paraan para makuha ang tiwala ng mga taong bayan, subalit hindi ito nagustuhan ni Lapu-lapu.
Hindi sumunod si Lapu-lapu sa patakaran ng mga kastila Tumanggi siyang magbayad ng buwis.
Nagalit si Magellan, mula sa Cebu ay naglayag ang pangkat nito at nilusob ang Isla ng Mactan.
Subalit dahil sa pag-ibig sa kalayaan buong tapang na hinarap ni Lapu-lapu ang mga sundalong Kastila kahit na iilan lamang ang kanyang mga tauhan at kahit na makaluam ang kanilang sandata. Dahil sa pinaghandaan ng husto nina Lapu-lapu ang labanan ay nasugatan si Magellan na naging dahilan para umatras ang grupo ng mga sundalong kastila patungo sa kanilang sasakyang pandagat.
Nang makita ng mga sundalong kastila na tuluyan nang nagapi ang kanilang pinuno aymabilis na nagsialis at tumakas ang mga ito.
Ang labanan ay naganap sa baybayin ng Mactan noong Abril 27, 1521 kung saan napatay niya si Magellan.