(1943-1945) Pangulo ng Japanese Sponsored Philippine Republic
Si Jose P. Laurel ay ipinanganak sa Tanuan Batangas noong Marso 9, 1891. Ang kanyang mga magulang ay sina Sotero Laurel isa itong abogado at ang kanyang ina ay si Jacoba Garcia Laurel.
Taong 1906 ng mag-aral siya sa San Juan de Letran sa Maynila at nagpatuloy sa Manila High School at nagtapos ng secondarya ng may karangalan. Sa Pamantasan ng Pilipinas naman siya nagtapos ng abogasya taong 1915.
Patuloy siyang nagpalawak ng kanyang karunungan sa pamamagitan ng pag-aaral sa Amerika. Doon siya nagtapos ng Doctor of Civil Law taong 1920. Nakapagsanay siya ng kanyang propesyon sa Amerika.
Taong 1925 ng siya ay maging isang senador.
Nang sumklab ang pangalawang digmaan ay hinirang siyang Kalihim ng Katarungan. Nang umalis ng bansa si Pangulong Quezon ay sa kanya iniwan ang pamamahala ng gobyerno, na kasalukuyang nasa mga kamay ng Hapones. Nahalal siya bilang pangulo at siya ay nanungkulan noong Oktubre 14, 1943.
Dahil sa pakikipagkaibigan niya sa mga Hapones at dahil sa panghihikayat niya sa mga Pilipino na makipagkasundo sa mga Hapones ay naparatangan siyang isang taksil o collaborator samantalang ang kanya lamang hangarin ay ang mailigtas o makaiwas sa kaparusahan ng mga singkit na mananakop ang kanyang mga kababayan.
Natapos ang panunungkulan ni Laurel kasabay ng pagsuko ng mga Hapones sa Amerikano. Ganon paman ay nagpatuloy siya sa paglilingkod sa bayan.
Namatay siya sa atake sa puso noong Nobyembre 5, 1959.