(1837-1872) Martir na pari, isa sa GOMBURZA
Si Burgos ay isinilang sa Vigan Ilocos Sur noong Pebrero 9, 1837. Ang mga magulang niya ay sina Jose Burgos at Florencia Garcia.
Nang mamatay ang kanyang ama noong siya'y bata pa lang, pumunta si Jose Burgos sa Maynila at nanunuluyan sa kamag-anak. Dito ay ipinagpatuloy niya ang pagaaral. Nag-aral siya sa San Juan de Letran. Sia ay isang matalinong estudyante. Palagi siyang nagiging leader ng mga aktibidades sa nakilang paaralan.
Nagtapos siya ng teolohiya, pagkadoktor sa pilosopiya at batas kanoniko noong 1868. Naging isa siyang pari.
Bilang kasapi ng Examining Board sa teolohiya noong 1871 kaniyang ipinaglaban ang sekularisasyon ng mga parokya sa Pilipinas. Pinayuhan niya ang mga kabataang Pilipino na sa Europa mag-aral sa pag-asang mabigyan pa ng magandang kinabukasan ang bayang Pilipinas.
Katulad ni Padre Pelaez, siya ay naging pinuno ng mga Pilipinong pare na nagtatanggol at nagmamalasakit sa kapakanan ng kapwa pareng Pilipino. Marami siyang hininging pagbabago sa pamahalaang Kastila, isa na roon ang pantay na karapatan ng pareng Pilipino sa mga pareng Kastila.
Kasama niya sa kanyang mga ipinakikipaglaban sina Joaquin Pardo de Tavera na isang abogado, si Maximo Paterno, isang mayamang negosyante at sina Padre Gomez at Padre Zamora.
Pinaghinalaan siyang may kinalaman sa Rebulusyonaryo na nag-uumpisang lumutang. Dahil dito ay nagalit ang mga Kastila kay Burgos at binalak siyang patalsikin. Nang sumiklab ang pag-aalsa sa Cavite, dinawit si Burgos kasama ang dalawa pang pari bilang utak ng pag-aaklas. Hinatulan silang mamatay sa pamamagitang ng garote. Binitay sila sa Luneta noong Pebrero 17, 1872. Namatay silang suot ang kanilang abito.