(1886-1942) Bayani ng ika-2-digmaang pandaigdig
Si Jose Abad Santos ay ipinanganak sa San Fernando Pampanga noong Pebrero 19, 1886. Ang mga magulang niya ay sina Vicente Abad Santos at Toribia Basco. Nagmula siya sa mayamang angkan. Sumiklab ang rebolusyon noong panahon ng kastila nang siya ay sampung taong gulang pa lamang. Namulat siya sa dinanas na hirap ng kanyang kapwa kung kaya nakibahagi siya sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain sa mga nakikibaka.
Pagkatapos ng giyera ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral. Nagtungo siya sa Estados Unidos, naging eskolar sa Santa Clara College sa California. Sa University of Illinois siya nagtapos ng kursong abogasya. Nag-aral rin siya sa George Washington University kung saan niya nakamit ang katibayan ng pagtatapos niya ng Master of Laws taong 1909.
Noong sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig noong 1941 kung saan nasakop ng pamahalaang Hapones ang Pilipinas ay hindi siya sumama sa kabinete ni Quezon patungong Amerika. Sa kanya iniwan ni Quezon ang pamahalaan. Noong Abril 11, 1942 ay nadakip ng mga Hapones si Jose Abad Santos kasama ang kanyang anak na si Junior sa Carcar Cebu.
Inutusan siya ng mga hapones na pasukuin si Manuel Roxas subalit tumanggi siya sa dahilang ayaw niyang sumira sa sinumpaang katapatan sa pamahalaang Amerika. Dahil sa pagtanggi niyang makipagtulungan sa mga hapones, dinala siya sa Mindanao at nahatulang patayin.
Mayo 11, 1942 ng siya ay barilin at mamatay.