(1856-1896) Propagandista
Si graciano Lopez Jaena ay ipina-nganak noong Disyembre 17, 1856 sa Jaro Iloilo. Ang mga magulang niya ay sina Placido Lopez at Maria Jacoba Jaena.
Sa seminaryo ng Jaro siya nagtapos ng Pilosopiya at mga paring Paulista ang kanyang mga naging guro.
Dahil sa nakita niyang hindi magandang ugali at pamamalakad ng mga pari ay isinulat niya ang "Fray Butod" upang tuligsain ang mga kasamaan nito. Nagalit ang mga pari sa kanya. Tumakas siya at nagtungo sa Madrid sa Espanya at doon ay nag-aral siya ng medisina sa Unibersidad ng Valencia ngunit tumigil pagkalipas ng isang taon sapagkat nakibahagi siya sa pulitika. Tumigil siya doon sa loob ng labinlimang taon. Habang siya ay naroon ay nagsulat siya ng sari-saring babasahin na inakala niyang magpababago at magpapabuti sa mga palakad ng mga Kastila sa Pilipinas.
Siya ay isang mahusay na orador. Itinatag niya ang "La Solidaridad" at siya ang naging unang editor nito.
Taong 1890 ng siya ay bumalik sa Pilipinas upang mangalap ng tulong pinansiyal sa kanyang mga kababayan. Muli siyang nagbalik sa Espanya at ipinagpatuloy ang kanyang gawain.
Naghirap siya sa buhay at namatay siya sa Barcelona noong Enero 20, 1896 dahil sa sakit na tuberkulosis.