Pinuno ng pag-aaklas sa Bohol
Pinamunuan ni Francisco Dagohoy ang pinakamahabang pag-aaklas sa kasay-sayan ng Pilipinas. Ito ay ang pag-aaklas sa Bohol na nag-umpisa taong 1744 hanggang 1829.
Nang mapatay ng isang konstable ang kapatid ni Francisco Dagohoy ay doon nag-umpisa ang pag-aaklas. Labis na dinamdam ni Dagohoy ang pagkamatay ng kanyang kapatid. Sinunod lamang ng kanyang kapatid ang utos ni Padre Morales, isang pareng heswita na hulihin ang isang masamang tao subalit sa kasamaang palad ito ang napatay.
Sa kagustuhan ni Dagohoy na mabasbasan ang bangkay ng kanyang kapatid ay dinala niya ito kay Padre Morales para basbasan subalit tinanggihan ito ng pari sa kadahilanang humihingi pa ito ng bayad sa pagbabasbas.
Lalong nagsiklab ang galit ni Francisco Dagohoy. Sinabi niyang hindi dapat humingi ng bayad ang pare dahil namatay ang kanyang kapatid dahil sa pagsunod sa utos nito.
Hinimok niya ang lahat na mag-aklas at umanib naman halos lahat ng tao sa isla na iyon.
Inabot ng 85 taon ang pag-aklas.
Taong 1827 nang umpisahan ni Gob. Heneral Ricafort ang pagsalakay sa mga tauhan ni Francisco Dagohoy sa Bohol.
Dahil doon humina ang loob ng mga nag-aaklas. Sumuko ang mga tauhan ni Francisco Dagohoy noong Agosto 31, 1829.