(1788-1862) Ama ng balagtasan
Si Baltazar ay isinilang sa Panginay Bigaa Bulakan noong Abril 2, 1788. Ang mga magulang niya ay sina Juan Baltazar ang Juana dela Cruz na kapwa mahirap.
Sa edad na labing isa ay naglingkod siya sa isang mayamang pamilya na taga Tondo. Mabait ang naging amo ni Francisco kaya pinayagan siyang makapag-aral habang naninilbihan. Sa Colegio de san Jose siya nag-aral ng teolohiya, pilosopiya at iba pang karunungan. Naging guro nya ang bantog na si Dr. Mariano Pilapil at ang makatang si Jose dela Cruz na kilala sa bansag na Joseng Sisiw.
May isang pagkakataon na hindi naayos ni Joseng Sisiw ang tula ni Francisco sa kadahilanang wala siyang maibayad na sisiw. (Ito ang hinihinging bayad ni Jose dela Cruz sa lahat ng tulang kanyang isaayos.)
Dahil doon napilitan si Francisco na isaayos ang sarili niyang tula. Iyon na ang naging simula ng pagiging isang sikat na manunulat ni Francisco. Nang lumaon ay nalagpasan pa niya ang husay at kasikatan ni Joseng Sisiw.
Nanirahan siya sa Pandaka at nakilala niya doon si Maria Asuncion Rivera na kilala bilang Celia dahil sa ginawa niyang tula para dito. Subalit may karibal siya sa pag-ibig ni Celia ito ay si Mariano Kapuli isang mayaman, Si Capule ang gumawa ng paraan para maparatangan at makulong si Baltazar.
Habang nasa loob siya ng kulungan ay nabalitaan niyang ang pagpapakasal nina Celia at Mariano. Nag-alab ang kayang kalooban, at dahil sa labis na panibugho ay naisulat niya ang Florante at Laura.
Nang makalaya si Baltazar taong 1840 ay sa Bataan siya nanirahan. Doon niya nakilala si Juana Tiambeng na kanya namang napangasawa taong 1842.
Namatay siya noong Pebrero 20, 1862 sa edad na 74 taon.