(1869-1964) Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas
Si Aguinaldo ay isinilang sa Kawit, Cavite noong Marso 30, 1896. Ang mga magulang niya ay sina Crispulo Aguinaldo at Trinidad Famy. Nag-umpisa siyang mag-aral sa isang pribadong paaralan sa kanyang bayan at nagpatuloy sa San Juan de Letran.
Noong Enero 1895 nahalal siya bilang Kapitan-Municipal sa Kawit, Cavite. Naging miyembro siya ng Katipunan sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Baldomero Aguinaldo bilang isang tenyente. Pagkaraan ng ilang buwan ay tumaas ang kanayng ranggo at siya ay naging General.
Pinamunuan niya ang paghihimagsik laban sa mga kastila.
Nakipag-ugnaya ang pamahalaang kastila kay Aguinaldo at dahil doon ay naganap o nalagdaan ang "Pact of Biak na Bato" noong Disyembre 14, 1987, Maraming naging probisyon ang kasunduan, isa na doon ay: aalis ng Pilipinas sina Aguinaldo kasama ang ibang matataas na opisyales at sila ay babayaran ng Pamahalaang Kastila.
Umalis nga si Aguinaldo kasama ang ibang matataas na opisyales at nagtungo sa Hongkong, subalit hindi natupad lahat ang mga ipinangako ng pamahalaang kastila.
Nang mag-umpisa ang giyera ng Pamahalaang kastila at Amerika noong Abril 1898 ay bumalik si Aguinaldo sa Cavite at ipinagpatuloy ang pakikibaka sa tulong ng mga Amerikano. Nagkaroon ng malaking pag-aalsa at natalo ang pamahalaang kastila. Sumuko ang Maynila sa mga Amerikano.
Noong Hunyo 12, 1898 ay itinatag naman ni Aguinaldo ang unang Republika ng Pilipinas sa Kawit, Cavite kung saan siya ang naging kauna-unahang pangulo ng Pilipinas.