(1730-1763) Pinuno ng pag-aaklas sa ilokos
Si Diego Silang ay ipinanganak sa Caba La Union noong Disyembre 10, 1730. Ang mga magulang niya ay sina Mguel Sialng at Nicolasa de los Santos.
Maliit pa siya ay utusan na siya ng mga pari. Lumaki siya sa parokya sa Vigan Ilocos Sur sa ilalim ng patnubay ng kura paroko. Minsang nautusan siyang lumuwas ng Maynila lulan ng isang bangka ay sinamampalad na nawasak ang kanilang sinakyan sa karagatan ng Zambales dahil sa pagdaan ng bagyo.
Nakaligtas silang lahat at nakarating ng baybayin. Subalit nasabat sila ng mga Ita at napana ang lahat maliban kay Diego. Kinuha ng mga Ita si Diego. Matagal nagsilbi si Diego sa mga Ita, hanggang sa may magawing pari sa lugar na iyon at siya ay tinubos. Muli siyang naglingkod bilang utusan ng pari, naging matapat siya kaya pinagkatiwalaan siyang utusan ng pari sa Maynila. Dahil sa kanyang madalas na pagbibiyahe ay madalas niyang marinig ang karaingan ng mga tao laban sa mga kastila.
Taong 1762 ng dumating sa maynila ang mga sundalong Amerikano. Natalo sa labanan ang mgakastila kaya isinuko ng mga ito ang Maynila. Nagkaroon ng ideya si Diego, bumalik siya sa Vigan at hinikayat ang kanyang mga kababayan na lumaban sa mga kastila, pinamunuan niya ang pag-alsa. Napalayas ni Diego sampu ng kanyang mga tauhan ang mga opisyales na kastilang namumuno sa kanilang lugar. Ginaya ng mga mamamayan sa kalapit bayan ang ginawa ni Diego, nag-alsa rin ang mga ito laban sa mga puti.
Nang makita ng mga kastila na mahirap talunin ang 2,000 katao na mga tauhan ni Diego ay umupa ang mga ito ng isang taksil na magkunwaring kaibigan ni Diego upang madali nila itong maipapatay.
Nagtagumpay ang mga kastila, pataksil na napatay nga si Diego ng huwad na kaibigan sa pamamagitan ng pagbaril nang siya ay nakatalikod, nangyari ito noong Mayo 28, 1763. Subalit hindi doon natapos ang ipinaglalaban ni Diego. Ipinagpatuloy ng kanyang asawang si Gabriela Silang ang paghihimagsik laban sa mga kastila.