(1866-1945) Heneral na hindi sumusuko
Si Artemio Ricarte ay ipinanganak noong Oktobre 20, 1866 sa Batac Ilocos Norte. Ang mga magulang niya ay sina Esteban Ricarte at Bonifacio Garcia. Nag-aral siya sa San Juan de Letran at sa Escuela Normal ng kursong edukasyon.
Sumapi siya sa samahan ng mga rebulusyonaryo. Naging isa siyang masigasig na miyembro.
Matagumpay niyang tinalo ang mga kaaway sa San Francisco noong Agosto 1896 panahon ng himagsikan. Hanggang sa mapili siyang kapitan heneral para sa bagong Rebolusyonaryong Pamahalaan sa Tenejeros. Taong 1900 ng siya ay madakip. Tumangi siyang manumpa sa mga Amerikano kaya siya pinarusahan at ipinatapon sa Guam.
Pagkaraan ng tatlong taong pamamalagi sa Guam ay bumalik siya sa Pilipinas ito ay taong 1903. Nahuli siya at nakulong ng 6 na taong muli siyang ipinatapon sa HongKong at muli na naman siyang bumalik ng bansa kaya ipinatapon siya uli sa Hapon. Taong 1941 ng ibalik siya ng mga Hapon sa Pilipinas.
Namatay siya sa Kalinga Mt. Province noong Hulyo 31, 1945 sa edad na 89.