Sa isang nayon sa katagalugan, may naninirahang isang mag-ina. Ang biyudang si Aling Sima at ang kanyang anak na si Masung. Bagama't..malaki ang pangangatawan ni Masung ay sobra naman ang kanyang kawalanghiyaan. Sa halip na makatulong siya sa ina ay pabigat pa siya rito.
"Ano kaba naman, anak. Sana man lang ay linangin mo ang lupang iniwan ng iyong ama. Sayang na lang ang pagpapalaki ko sa iyo. Inubos mo lamang ang pera sa pag-inom ng alak," ang wika ni Aling Sima.
"Ayan na naman kayo. Pagod ako at huwag ninyang isusumbat sa akin ang ibinibigay ninyong pera sa akin dahil sa tungkulin ninyong bigyan ako ng pera!" ang sagot ni Masung.
Walang nagawa si Aling Sima kundi ang tumahimik. Alam niyang walang patutunguhan ang pag-uusap nilang mag-ina dahil sa maling katuwiran ng anak. Hindi lang ubod ng tamad si Masung siya ay ubod pa ng takaw. Hirap na hirap na ang kanyang ina sa bukid samantalang siya ay naroon at tiyesong-tiyeso sa pagtulog. Tamad na nga siya ay basagulero pa.
Isang araw, natutulog ang matanda nang gulantangin ito ng ingay ng pinto. Humahangos si Masung at naghahanap ng gulok dahil may nakaaway siya. Walang nagawa si Aling Sima kundi ang sumigaw at humingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay. Anim na lalaki ang nagtulung-tulong para lamang mapigil sapakikipagaway si Masung. Marami nang sinaktang tao si Masung kapag ito ay nagwawala kaya't siya ay kinatatakutan.
Minsan, wala siyang inabutang pagkain sabahay. Gutom na gutom pa naman siya. Galit na galit na pinuntahan niya sa silid ang kanyang ina at pabulyaw na nagsabing. "Bakit hindi ninyo aka ipinaghanda ng pag_kain?"
"Anak mayasakit ako. Wala akong lakas."
"Kayo may sakit? Arte lang ninyo iyan. Sige bumangon kayo riyan at ipagluto ninyo akong pagkain!"
"Anak, parang awa mo na. Ikaw na munaang maghanda ng iyong makakain," ang lumuluhang sabi ni Aling Sima.
"Ako...magluluto..ano ako babae. Hindi maaari, sige bumangon kayo at magluto!" ang bulyaw ni Masung na sabay sipa sa ina.
Sa kawalanghiyaang inasal ng anak ay hindi na nakapagtimpi pa si Aling Sima at nagwika ng, "Walang utang na loob, lapastangan na anak, ikaw na ubod ng tapang ay gagapang sa lupa at kailanman ay hindi ka na makakatayo sapagka't habang buhay kang gagapang. Mananatili ang iyong kabagsikan at lalo kang katatakutan ng mga tao."
Tinawanan lamang ni Masung ang sinabi ng ina Lumayas siya at sa paglalakad niya sa bukid ay bigla siyang nalugmok. Hindi niya maitayo ang kanyang mga paa. Naramdaman niyang unti-unting humahaba at pumapayat ang kanyang katawan hanggang sa tuluyang mawala na ang kanyang mga paa't kamay. Huli na nang magsisi siya.
Sa mantala, ang kanya palang kaaway ay lihim siyang sinusundan. Nasaksihan niya ang pagbabago sa katawan ni Masung. Nagdatingan pa ang ibang tao. Nakita nila ang mahabang hayop sa lupa na gumagapang sa damuhan. Nang makita niya ang mga tao ay umakma siyang manunuklaw at sa takot ay nagpulasan ng takbo ang mga tao. Magmula nga noon ay nilayuan na ng mga tao ang damuhang iyon sa takot na matuklaw sila ni Masung...ang taong naging ahas...ang unang ahas.