Totoong ang tao ay nilikha ng Diyos. Subali't maraming nagtataka kung bakit iba-iba ang kulay ng mga ito. Sa inyong palagay alin kaya dito ang pinakamagandang kulay?
Unang nilikha ng Diyos ang mundo, mga dagat at mga bundok, mga punongkahoy at mga hayop. Gayundin ang araw, buwan at mga bituin. Masaya niyang minasdan ang kanyang obra maestra ngunit hindi pa rin malubos ang kanyang kasiyahan.
"Hmmnn...ano pa kayang kulang...parang hindi yata kumpleto" ang tanong niya sa sarili. "Aha! Alam kona! Tao! Tao pa nga pala ang hindi ko nagagawa upang magkaroon ng kabuluhan ang mga bagay na ito."
Kumuha Siyang isang tumpok na putik at hinubog niya ito ayon sa hugis ng kanyang sarili. Inilagay sa isang pugon at niluto.
Dahil sa maghapong pagtatrabaho ay nakaramdam Siya ng matinding pagod. Iniwan Niya sandali ang kanyang niluluto. Nagpahinga siya sa lilim ng isang punungkahoy, ngunit Siya ay naka tulog nang mahimbing. Nagising lamang siya sa amoyng Kaniyang niluto sunog na pala ito. Dali-dali niyang tiningnan ang kaniyang niluto pero hulina. Ito ay itim na itim na. Umikli at kumulot ang mahabang buhok nito.
Hindi Niya nagustuhan ang kinalabasan ng kanyang niluto ngunit nanghihinayang naman siyang itapon ito. Hinipan niya ito upang magkaroon ng buhay at pagkatapos ay dumampot uli siya ng putik, hinugis na kasinlaki at kasintaas ng nasunog na tao binantayan niya ito upang hindi masunog. Pinigilan niya ang kanyang antok.
Lumipas ang isang oras at ito ay hinango niya. Maganda ang hubog nito, maputi ang kulaya nguni't maputla. Ang buhok ay manilaw nilaw pa.
"Hilaw yata ang pagkakaluto ko nito pero hindi bale, bibigyan din kita ng buhay," ang sabi Niya.
Sa ikatlong pagkakataon ay humubog ulit Siya ng tao. Kaunti na lang ang natitirang putik kaya ang sukat nito ay mas maliit at mababa kaysa sa una at ikalawa Niyang nilikha. Inilagay Niya sa pugon, binantayan at iningatan upang huwag masunog o manilaw.
Hindi nagtagal ay maingat Niya itong hinango sa pugon. Laking tuwa Niya nang makitang husto ang pagkakaluto. kayumanggi ang kulay, katamtaman ang taas at laki.
"Sa wakas, nakalikha rin ako ng ayon sa aking panlasa!" bulalas Niya.
Hinipan Niya ito upang magkaroon ng buhay. Dito nagsimula ang mga negro, puti at mga kayumanggi.