Noong unang panahon, may isang pagmilya ang naninirahan sa isang pulo. Ang pamilyang ito ay kinikilala at iginagalang. Ang kanilang pagpapasunod sa tao ay ayon sa batas kaya sila ay napamahal naman sa kanila. Pawang naisin nila ay nasusunod, ngunit laan din silang magbigay ng tulong sa mga nangangailang.
Ang kapangyarihang ito ay nagpasalin-salin sa mga anak at apo ng angkang iyon. Lahat ng namuno ay naging makagtaraungan at malapit sa mamamayan. Subali't dumating ang isang tao sa pamilyang iyon na kakaiba ang ugali. Siya ay ubod ng sakim kaya halos lahat ng lupain pulong iyon ay kanyang kinamkam. Isa siyang mapangaapi ng kapwa kaya siya hindi kinalugdan ng mga tao.
Ang kanyang pangalan ay Kawayan. Isanggabing kasarapan ng tulog ni Kawayan, isang matandang pulubi ang kumatok at nanghihingi ng kaunting limo.
"Ano... baka nagkakamali ka ng malalapitan tanda? Hindi ako nagbibigay ng limos sa di ko kaanu-ano. Ang pagkaing nasa bahay ko ay aking pinagpaguran kaya lumayas ka na!" ang nakapamaywang na sabi ni Kawayan.
"Anak, huwag kang palalo. Parurusahan ka ni Bathala saiyong kasakiman," ang wikang matanda.
"Ako...parurusahan...ako na ngang pinakamakapangyarihan dito. Sinong magpaparusasa akin?"
"Si Bathala ang tunay makapangyarihan. Sa sinabi mong iyan ay parurusahan ka niya. Mula ngayo'y magiging magalang ka at yuyuko sa anumang bagay na mas malakas kaysa sa iyo."
Pagkawika nito ay naglaho na ang matanda. Si Kawayan naman ay unti-unting nanlambot, napahiga at tuluyang namatay.
Siya ay inilibing ng mga tao sa lugar na kanyang kinamatayan. Sa paglipas ng panahon, may isanghalaman ang umusbong sa libinganga iyon. Ang halaman ay tumaas nang tumaas ngunit kapansin-pansin ang pagyuko nito sa ihip ng hangin. Ito ay tanda ng pagpapakumbaba at paggalang. Tinawag na Kawayan ang punong ito sapagkat ipinalalagay ng mga tao na iyon si Kawayan. Tinamo niya ang parusa ni Bathala dahil sa kanyang masamang ugali.