Noong unang panahon may magsing irog na nagtanan, husto naman na nakita sila ng tatay ni pas, at hinabol ang magsing irog.
Sa pagmamadali nila ay binagtas nila at nilangoy ang ilog. Ang kapus palad na Pas ay natangay ng malakas na alon at nabitiwan ng lalaki.
Hanggang sa makalayo siya sa kasintahan. Ang lumulubog at lumilitaw na katipan ay di kayang abutin ng binata upang sagipin.
Sa tuwing lilitaw si pas ay sumisigaw ang kanyang ama ng "Pas" palibhasa ay pagod sa kakahabol ang Tatay ni Pas kaya ito ay nasinok, kaya sa lakas ng sigaw ay "Pas-ig!" "Pas-ig!" at tuluyan ng lumubog si Pas.
Pati ang binata ay nawala na rin. Walang nagawa ang ama ni Pas kung hindi umiyak at paulit-ulit na tinatawag si Pas-ig, dahil sa sinok ng tatay ni Pas, ang lugar na ito ay tinawag ng pasig.
At yong ilog ay PASIG RIVER.