Noong araw may mag-kasintahan na pinaghiwalay ng magulang ng babae dahil sa malaki ang agwat ng kanilang edad, malaki ang tanda ng lalaki kay nene. Ang pangalan ng lalaki ay si Apolinario o Apo.
Isang hapon nagkita ang magkasintahan sa palengke, sa sobrang pagmamahal ni Nene kay Apo napilitan siyang sumama sa lalaki at nag-sasama sila sa isang bahay malayo sa bayan at tabing dagat.
Masaya silang nagsasama at nag-tutulungan. Isang hapon may malaking barko ng mga kastila ang dumaong malapit sa kanilang bahay.
Habang si Nene ay naglalaba nakita siya ng mga lasing na kastila, pinilit siyang halayin ng mga kastila, pero nakita ito ni Apo, napilitan na lumaban si Apo, pero wala siyang magawa, hanggang sa nagulpi siya ng mga kastila.
Sa galit ng mga kastila ay pinugot nila ang ulo ni Apo para hindi ito pamarisan ay isinabit nila ang ulo sa kawayan at ipinakita sa mga tao, sa takot ng mga tao tinawag nila ito ng ulo ng Apo.
Dito kinuha ang OLONGAPO.