Ang pangalang Maynila o Maynilad ay galing sa isang uri ng damo na kung tawagin ay nilad.
Napakaraming nilad na tumubo sa tabing ilog at sapa sa pook na ito. Lahat ng makakita sa damo ay tinatawag nila ng May-nilad.
Kaya tinawag nila itong Maynilad at sa katagalan ay tinawag na nila itong Maynila.
Ang Maynila ang siyang naging pangunahing lunsod o kapital ng Pilipinas.