Noong araw ang lalawigan ng Rizal ay puro damo kaya naman maraming taga rito ang may alaga na kabayo na ginagamit nila sa pangungutsero.
Minsang habang nangunguha o nanga- ngate ng damo ang isang kutsero ay may isang dayuhang amirikano ang na padaan at tinatanong kung ano ang lugar na ito hindi naman naunawaan ng kutsero ang tinatanong ng dayuhan.Kaya hindi niya ito masagot.
Nagkataon namang nangangati siya sa dami ng hawak niyang mga damo. Kaya nasambit niya ang salitang "Makati." ang akala ng dayuhan ay sinagot siya ng kutsero kaya naman nagpasalamat pa siya bago umalis.
Kaya ng umuwi siya lahat ng kanyang makausap ang sinasabi niya galing siya sa Makati, magmula noon, Makati na ang tawag sa pinakamayamang bayan ng Rizal, at pati damo para sa kabayo ay nakau- galiang tawagin ng MAKATI.