Noong unang panahon ang lugar na ito sa Mindanao ay madalas lusubin ng mga masasamang tao, kaya naisip ng mga taga rito na magtayo ng kanilang kuta para gawain nilang taguan.
Isang araw nakakita ang isang muslim ng isang pinakamatigas na bato. Ito ang kanilang pinagtulungan butasin para gawing kuta, nang mayari ang kanilang binutas ay tinawag nila itong kutang bato at hindi na nagtagal tinawag na nila itong COTABATO.