Noong unang panahon may isang babae na may malawak na lupain. Hindi naman niya ito mataniman dahil sa puro bato. Nalungkot ang babae dahil walang pakinabang ang lugar.
Isang araw laking gulat niya ng may tumubong mga puno na tuwid. Hinayaan niya ito, hanggang sa lumaki.
Mga ilang buwan, namunga ang puno pero hindi naman makain at maraming buto.
Nalungkot muli ang babae at nawalan ng pag—asa. Gusto niya itong ipaputol pero wala naman siyang pambayad sa tao.
Hanggang sa napadaan naman ang isang lalaki na naghahanap ng malambot na bagay para magawa niyang pansapin sa upuan.
Nakita niya ang bunga na nakatumpok sa isang tabi, agad niya itong binuksan at nakita niya na bulak ang laman.
Tuwang—tuwa ang lalaki at nag—paalam sa may ari na kukunin niya lahat ng bunga.
Tuwang-tuwa din ang babae dahil sa may bumili ng mga bunga.
Hanggang sa nagkasundo ang dalawa na ang malawak na pook na ito na taniman ng kapok o bulak ay tawagin nila ng bulakan.
Mula noon ang lugar na malawak ay naging bulakan. Ito ang alamat ng BULACAN.