Sa dagat ng Batangas ay maraming uri ng mga kabibe, halos lahat ng mga kabibe ay matatagpuan dito, kaya dito makikita ang balay isang masarap na uri ng kabibe na may mahaba at puting buntot.
Palibhasa sa dami ng balay dito, ito ang dinadayo ng mga dayuhan, kasi nga masarap at malinamnam.
May isang dayuhan na nagtatanong kung anong lugar ito, akala ng tindera ay kakain at nagtatanong ng ulam, kaya sinagot niya ito ng balay, mula noon tinawag na nila ito ng BALAYAN, sa lalawigan ng Batangas.